Shark binigo ng Montana
January 18, 2002 | 12:00am
Naging mainit ang Montana Pawnshop sa ikaapat na quarter at kanilang nilimitahan ang defending champion Shark Energy Drink sa apat na puntos lamang sa extra period tungo sa 99-86 panalo at manatili sa kontensiyon para sa quarterfinals ng PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.
Pinangunahan ni Mark Macapagal ang Jewelers sa pagtatala ng 28-puntos kabilang ang 5-triples habang nagdagdag naman si Gary David ng 21 upang tapusin ng Montana ang kanilang elimination campaign sa 5-9 record.
Bunga nito, makakalaban ng Jewelers ang mananalo sa pagitan ng Ana Freezers at Ateneo-Pioneer na kasalukuyang naglalaban habang sinusulat ang artikulong ito, para sa huling quarterfinals berth.
Dahil sa panalong ito, nalibre rin ang Welcoat sa unang awtomatikong semifinals slot at napuwersa ang Power Boosters na humarap sa ICTSI-La Salle para sa huling automatic semis berth.
Nagtapos ang Welcoat, Shark at La Salle na may magkakatulad na 9-5 record ngunit nakuha ng Paint Masters ang No.1 spot dahil sa kanilang pinakamataas na quotient laban sa Shark at La Salle.
"Depensa lang talaga and everything came into place," pahayag ni Montana coach Turo Valenzona. "Sabi ko nga, sundin lang nila ang sistema ng depensa and we will pull through."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended