P14-M multa ipinataw sa Tanduay

Pormal na ipinataw ng Philippine Basketball Association ang P14.1 milyong multa sa dating miyembrong Tanduay Gold Rhum dahil sa paglabag sa alituntunin ng salary cap ng liga.

Matapos ang masusing imbestigasyon ng PBA, natuklasang bukod sa uniformed players contract (UPC) ng kanilang mga players ay mayroon pang mga side contract ang mga ito.

Dahil sa pagtestigo ni Jayvee Gayoso laban sa kanyang dating koponan, ang 25% ng naturang halaga o katumbas ng P3.525,000 ay mapupunta sa kanya.

Ipinagtapat ni Gayoso sa investigating panel na bukod sa UPC ay mayroon itong sekretong kasunduan sa koponan na kanyang pinatunayan sa pama-magitan ng mga dokumento at bank receipts.

Dahil dito, maglulunsad ang PBA Board ng special inquiry sa iba pang dating players ng Tanduay at iba pang koponan na sinususpetsang lumalabag sa salary cap rules.

Samantala nakaunang hakbang na ang Alaska sa pagkuha ng serbisyo ni Talk N Text forward Mark Telan nang lagdaan nito ang offer sheet ng Aces.Isang P13.32 milyong tatlong taong offer-sheet ang pinirmahan ni Telan na nai-lipat lamang sa Phone Pals matapos i-trade ng Shell.

Sa naturang offer-sheet na siyang unang ihinain ng Alaska na madalas kumukuha ng player sa draft at trade, si Telan ay tatanggap ng P335,000 sa kanyang unang taon, P375,000 sa ikalawa at P400,000 sa kanyang huling taon.

Nakatakda namang alukin ng FedEx ang kanilang top pick na si Yancy de Ocampo ng tatlong taong kontrata na aabot ng P10 milyon at ng mas mababa ng kaunti dito ang kanilang eight pick na si Renren Ritualo.

Ayon kay Airfreight 2100 president Lito Alvarez, hinihintay na lamang nila ang go-signal na maaari nang alukin ng kontrata ang dalawa kahit kasalu-kuyan pang naglalaro ang mga ito sa PBL.

Sa iba pang balita, inaasahang ibabalik naman ng San Miguel si Lamont Strothers kasama ng isa pang di kilalang import para sa season opener Commissioners Cup na magbubukas sa Pebrero 10 habang ang kanilang dating import na si Stephen Howard ay inaasahang maglaro naman para sa Shell.

Show comments