^

PSN Palaro

Efren "Bata" Reyes, lalahok sa Asian Games

-
Inaasahang hindi na mabobokya sa gintong medalya ang bansa sa Asian Games na gaganapin sa Setyembre sa Busan, South Korea, dahil nakalinya si Efren ‘Bata’ Reyes na magdala ng bandila ng bansang Pilipinas.

Ito ang nabatid kahapon sa kinikilalang pinakamahusay na cue artist sa buong mundo sa kanilang press conference ng kanyang co-athlete of the year Dorothy Delasin sa Holiday Inn kahapon.

"Naka-schedule na akong lumaro sa Asian Games," pahayag ni Reyes. "Kailangan ko na lamang malaman kung anong event ako maglalaro," dagdag pa nito.

Gustuhin man ni Delasin na maglaro para sa bansa sa Asiad ay hindi nito magagawa.

"As much as I wanted to represent the country, I cannot because I’m a professional player and I think only amateurs are allowed to play in the Asian Games golf."

Ayon kay Reyes bagamat mabigat na kalaban ang Japan, Korea at Vietnam, mas mahuhusay ang mga Pinoy sa Rotation at sa 8-ball competition kaya’t dito may malaking pag-asa ang bansa.

Sina Reyes at Delasin ay tumanggap ng tig-P1milyon mula kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Linggo bilang pinakamahuhusay na atleta ng bansa ng nakaraang taon.

Sinabi naman ni Delasin na sisikapin niyang lumahok ng mas maraming torneo upang higit na bigyang karangalan ang bansa sa larangan ng gold.

ASIAD

ASIAN GAMES

AYON

DELASIN

DOROTHY DELASIN

HOLIDAY INN

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

REYES

SINA REYES

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with