^

PSN Palaro

Kiamco nalo sa Barcelona Battle for the Gold 9 Ball

-
Nakabawi ang beteranong si Warren Kiamco sa kanyang mahinang simula upang harapin ang mabigat na hamong ibinigay ni Romeo Villanueva tungo sa 13-10 panalo at umusad sa finals ng unang Barcelona Battle for the Gold 9-ball Challenge Tournament noong Sabado sa Robinson’s Place Ermita.

Makakalaban ni Kiamco sa finals ang mananalo sa pagitan nina Antonio Lining at Lee Van Corteza na magtutuos naman sa susunod na Sabado sa Robinson’s Galleria sa Ortigas.

Nabaon si Kiamco, pumangatlo sa 2001 Tokyo 9-Ball International Tournament, sa 1-7 sa kaagahan ng labanan ngunit nagbangon ito at naka-tabla sa 10-all na nakuha nito ang momentum nang tawagan ni international arbiter Jojie Acuna ng foul ball si Villanueva.

Ang mananalo sa three Saturday tournament na ito ay mag-uuwi ng P150,000 grand prize habang ang runner-up ay magbubulsa ng P50,000. Ang third at fourth placers ay makakatanggap naman ng P25,000.

Mapapanood ng live ang laban nina Lining at Corteza sa susunod na Sabado sa National Broadcasting Network.

ANTONIO LINING

BALL INTERNATIONAL TOURNAMENT

BARCELONA BATTLE

CHALLENGE TOURNAMENT

JOJIE ACUNA

KIAMCO

LEE VAN CORTEZA

NATIONAL BROADCASTING NETWORK

PLACE ERMITA

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with