^

PSN Palaro

3 PBL players may patutunguhan sa PBA draft

-
Tatlong PBL players--sina Leo Avenido, Edwin Bacani at Gilbert Malabanan ang napipisil na kunin ng mga PBA teams sa nalalapit na 2002 Annual PBA Draft na nakatakda sa Linggo, Jan. 13 sa Glorietta Center sa Makati.

Ang 6’2 na si Avenido ay napapabalitang nais kunin ng Pop Cola para sa kanilang second round draft pick. Siya ay mula sa Far Eastern University na matinik sa three-point area at naging susi sa third place finish ng Tamaraws sa nakaraang UAAP season.

Una itong naglaro sa Mr. Wash sa Philippine Youth Basketball League bago ito lumipat sa nagdisbanda nang Pharmaquick ngunit naglalaro ngayon sa Ateneo-Pioneer.

"I’m ready to face the challenges in the PBA pero sana nga makuha ako sa draft para matupad na yung matagal ko nang pangarap na makapasok dito," ani Avenido na naging Top Newcomer at Mythical Five sa PBL at UAAP noong nakaraang taon.

Bukod kay Rommel Adducul mula sa MBA na posibleng kuning top pick, interesado rin ang Fed-Ex kina Bacani at Malabanan, dahil ayon sa source, naghahanap ang naturang team ng shooters na may intensidad para sa kanilang bagong koponan.

Ang 6’3 na si Bacani buhat sa Pampanga, ay naglaro din sa Far Eastern University at ngayon ay consistent top scorer ng Blu Detergent.

Bukod sa Fed-Ex, ang iba pang PBA teams na pumipisil kina Bacani at Malabanan ay ang Mobiline, Purefoods at Ginebra.

AVENIDO

BACANI

BLU DETERGENT

BUKOD

EDWIN BACANI

FAR EASTERN UNIVERSITY

FED-EX

GILBERT MALABANAN

GLORIETTA CENTER

LEO AVENIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with