2 dating sportswriter pararangalan ng PSA

Dalawang dating sportswriters ang pararangalan ng Philippine Sportswriters Association na nagbigay ng karangalan sa sportswriting fraternity dahil sa kani-kanilang outstanding performance sa pagsusulat at pagseserbisyo sa gobyerno.

Sina Alejandro ‘Andy" del Rosario na itinalagang Philippine Ambassador Extraordinary at Plenipotentiary sa Hungary noong Abril at North Cotabato Governor Emmanuel "Manny" Piñol ay tatanggap ng Plaque of Recognition sa PSA Annual Awards sa Jan. 11 sa Holiday Inn Manila.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang PSA ay magbibigay ng special award sa dating sportswriters na ipinakita ang kani-kanilang special na abilidad sa labas ng sportswriting profession.

Kasama nina del Rosario at Piñol na tatanggap ng awards ang Philippine at international sports champions sa pangunguna nina Co-Athletes of the Year Efren "Bata" Reyes ng billiards at Dorothy Joy Delasin ng professional golf.

Sa 52-taong kasaysayan ng PSA, si del Rosario ang natatanging hindi sports editor na nahalal sa pagkapangulo ng pinakamatandang sports-writing organization sa bansa na itinatag noong 1949 na inilalaan lamang para sa mga sports editors.

Si del Rosario ay unti-unting umangat kung saan naging publisher siya ng Manila Standards at chief operationg officer, bago naitalagang Ambassador sa Hungary.

Kilalang boxing columnist at TV commentator si Piñol bago siya nahalal na mayor ng M’Lang town bago naging governor ng North Cotabato. Siya ay nasa ikalawang termino na bilang governor ng nasabing probinsiya.

Show comments