^

PSN Palaro

Welcoat pinigil ng Kutitap

-
Sinupil ng Kutitap Toothpaste ang tangkang pagbangon ng Welcoat Paints sa final canto at itakas ang 73-72 panalo at palakasin ang kanilang tsansa patungo sa quarterfinals ng 2001 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Humakot si Allan Salangsang ng 27 puntos, siyam na rebounds at dalawang blocks na siyang tumapos sa apat na dikit na panalo ng Paint Masters.

Napaganda rin ng Kutitap ang kanilang kartada sa 6-6 habang nalasap naman ng Welcoat ang ikalimang talo matapos ang 12 laro.

Naging mainit sa simula pa lang ng laro ang Teeth Sparklers nang kunin ang 30-19 kalamangan bago isinara ang halftime sa 45-33 bentahe.

Maraming ulit ding hinawakan ng Kutitap ang 17 puntos na kalamangan na ang huli ay sa 52-35, may 8:15 ang nalalabi sa third period.

Sa pagtutulungan nina Jojo Manalo, Ren-Ren Ritualo at Yancy de Ocampo, nakalapit ang Welcoat sa final canto at naitabla nila ang iskor sa 70-all, may 3:22 ang nalalabi sa laro.

Umiskor ng tres si Cyrus Baguio upang ihatid ang Kutitap sa 73-70 kalamangan sa final 1:26 oras ng laro, ngunit nananatiling nakadikit ang Welcoat nang sumagot si de Ocampo ng jumper para sa 72-73 sa huling 47.5 segundo.

Mula dito, hinigpitan na ng Kutitap ang kanilang depensa at di na nakaporma pa ang Welcoat upang mapreserba ang kanilang panalo.

vuukle comment

ALLAN SALANGSANG

CHALLENGE CUP

CYRUS BAGUIO

JOJO MANALO

KUTITAP

KUTITAP TOOTHPASTE

MAKATI COLISEUM

OCAMPO

PAINT MASTERS

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with