^

PSN Palaro

PBA Annual Draft: Tolomia at Ritualo nagpalista na

-
Sino man kina Chester Tolomia at Ren Ren Ritualo ang magiging No. 1 pick sa darating na Philippine Basketball Association Annual Draft sa Enero 13 sa Glorietta sa Makati isa lang ang sigurado ang dalawa ay magkakasama sa iisang koponan.

Ito’y matapos na mag-sumite na sila ng kani-kanilang aplikasyon sa opisina ng PBA kahapon.

Sina Tolomia at Ritualo ang bumandera sa unang listahan ng 34 amateur cagers na naghahangad na makapaglaro sa professional na liga sa Asya na nagpadala na ng kani-kanilang aplikasyon. Kabilang sa 34 players ang 10 manlalaro mula sa Metropolitan Basketball Association at 10 naman ang mga dayuhang manlalaro na may dugong Pinoy.

Isa sa mabibiyayaan ng magandang prebilehiyo sa gaganaping draft ang bagong miyembrong koponan na Federal Express, bumili sa prangkisa ng Tanduay Gold Rhum dahil sila ang may hawak ng No. 1 at No. 2 picks.

Ito’y napasakamay ng FedEx matapos ang isang malaking trade na naganap sa kalagitnaan ng Governors Cup Finals sa pagitan Tanduay, Barangay Ginebra, San Miguel Beer at Purefoods TJ Hotdogs na kinasangkutan nina Eric Menk, Dondon Hontiveros at Bonel Balingit kapalit nina Freddie Abuda, Alex Crisano at Cris Cantojos.

Para kay Ritualo, hindi mahalaga sa kanya kung siya ang maging No, 1 pick at ang importante ay ang makuha siya ng isang koponan at makapaglaro sa PBA.

"Hindi naman ako namimili ng team. Kahit saan team ako mapunta, pagbubutihin ko ang paglalaro ko," pahayag ni Ritualo.

Bukod kina Tolomia at Ritualo, nagpalista rin ang mga manlalaro na mula sa MBA na kinabibilangan nina Christian Calaguio, naglaro sa San Juan Knights, Dexter Racho (Nueva Ecija), Richard Melencio (Laguna Lakers), Sunny Boy Margate (Pasig); Clifton Claybrocks (Nueva Ecija); Rafi Reavis (San Juan); John Alwyn Flores (Socsargen); Rensy Bajar (Cebu Gems) at Philip Isaac Newton (MBA) at sa Fil-Ams, nanguna sa listahan sina Julius Ceazar David (Felician College); Fortunate Payne (FABA-Wizards); Kewin Chua (AEC); William Villa (NCAA-Hawaii); Francis Machica (College of Marin); Marc Caguco (Fil-Am LA); Jirr Alapag (CAL State San Bernardino); Richard Joseph dela Pena (provincial Alberta Junior); Francis F. Rauschmayer (Jacksonville All City Stars); Tom N. Arceño (FBL-Orlando); Ledito Yanogacio Jr., (Van Heasan Clothen); Kenneth Gumpenberger (Pac Rim Fila Am) atJohn Victorio (North Las Vegas League).

Kabilang naman sa PBL sina Miguel Noble (Ateneo Pioneer); at Stephen Tampus (Red Bull).

Samantala, humabol din si Kalani Ferreria ng San Juan at Dennis Reyes na naglalaro sa Mapua at Joven Mampo sa PLM-Intramuros.

Si Tolomia na naglalaro sa Shark Energy Drink ang siyang nahirang na MVP noong nakaraang taon at isa sa mahalagang manlalarong Power Boosters na gu-miya sa kampeonato sa 2000 Challenge Cup.

Ang listahan na ito ay maaari pang madagdagan ngayong araw dahil sa kasalukuyan, inaayos pa ng ilang MBA players ang kani-kanilang mga release papers at DOJ confirmation. (Ulat ni Maribeth Repizo)

ALBERTA JUNIOR

ALEX CRISANO

ATENEO PIONEER

BARANGAY GINEBRA

BONEL BALINGIT

CEBU GEMS

CHALLENGE CUP

NUEVA ECIJA

RITUALO

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with