SSC Stags nagbalik ang bangis
December 24, 2001 | 12:00am
Hindi naman naging mapalad ang counterpart ng DLSU na College of Saint Benilde sa National Collegiate Athletics Association na naagawan ng titulo ng San Sebastian College.
Naging maaksiyon din ang labanan sa NCAA kung saan naibalik ng five-peat titlist SSC Stags ang titulo sa kanilang kamay laban sa Jose Rizal University na nakarating sa kampeonato matapos ang mahabang panahon.
Kahit runner-up lamang ang JRU Heavy Bombers ay isang malaking tagumpay na ito para sa tinaguriang whipping boy team at nagkaroon ng bendikasyon dahil sa pagkopo ni Ernani Epondulan ng Most Valuable Player trophy.
Ang muling pangingibabaw na ito ng tropa ni coach Turo Valenzona ang nagbigay sa kanya ng panibagong pag-asa na muling maipadama ang kanilang supremidad na matagal na hinawakan ng Recto-based squad.
Sa katunayan, ang tagumpay na ito ni Valenzona ang nagbukas din ng daan upang muling makabalik sa Philippine Basketball League kung saan siya ay nakuhang maging mentor ng Montana Pawnshop.
Sa kabila ng magandang season sa collegiate league, ito ay nabalutan din ng kontrobersiyal matapos na magpalabas ng kautusan ang board members ng dalawang collegiate squad na nagbabawal sa kani-kanilang mga manlalaro na sumali sa isang liga na maituturing na professional league.
Kabilang na dito ang PBL na matapos igiit ng dating Games and Amusements Board (GAB) chairman Dominador Cepeda na ang nasabing liga ay isang professional.
Bunga nito, kinailangan ng mga manlalaro na mamili kung ipagpapatuloy pa nila ang kanilang paglalaro sa PBL o sa UAAP at NCAA.
Gayunman, ang lahat ay nabigyan din ng linaw bago pa man magbukas ang season-ending 2001 Challenge Cup ng PBL matapos na magpalabas ng kautusan ang Malacañang para sa pansamantalang pananatili ng PBL bilang amateur league. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am