^

PSN Palaro

GMA panauhin sa PSA awards night

-
Inimbitahan ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maging panauhing pandangal sa gaganaping Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards sa Enero 11 sa Holiday Inn Manila.

Si Arroyo ang ikaapat na Pangulo ng bansa na dadalo sa annual awards ng PSA, ang pinakamatandang news organization na itinatag noong 1949 ng grupo ng mga manunulat sa pamumuno ni dating Press Secretary Teddy Benigno at Malaya publisher Pocholo Romualdez.

Ang iba pang Chief Executive na dumalo sa tradisyunal na PSA Annual Awards, ang pinaka-prestihiyosong field ng mga manunulat sa bansa ay sina dating Pangulong Ferdinand Marcos, Corazon Aquino at Fidel Ramos, habang ipinadala naman ni President Joseph Estrada ang kanyang anak na si Jinggoy noong nakaraang affair.

Personal na tinanggap ni Pangulong Arroyo ang imbitasyon mula kay PSA president Lito A. Tacujan nang siya at ang iba pang kapwa sports editor at columnists ay nag-courtesy call sa Malacañang kasama ang miyembro ng Philippine contigent sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games noong naka-raang Setyembre.

"I would like to be present during the PSA Awards Night but please inform me in advance," paniniguro ng Chief Executive sa PSA president.

Ang naturang Annual Awards ay hatid ng Red Bull at suportado ng Philippine Sports Commission.

Igagawad ng Pangulo ang Top Athletes of the Year awards kina world billiards champion Efren "Bata" Reyes at Fil-American golfer Dorothy Joy Delasin.

Magkakaloob din ang sportswriting fraternity ng mga major awards sa mga top athletes sa iba’t ibang sports. Kabilang sa napili para sa Major Awards ay sina San Miguel slotman Danny Ildefonso (professional basketball), international boxing champion Manny Pacquiao, SEA Games double gold medalist Eduardo Buenavista ng athletics at horse-of-the-year Wind Blown.

Inimbitahan din sa Awards Night sina PSC chairman Carlos "Butch" Tuason at ang kanyang board of commissioners, Philippine Olympic Committee president at POC officials sa pangunguna ng national sports association, ilang piling miyembro ng corporate community at regular members ng sports media.

Ayon kay Tacujan, ang mga hindi pa nakakatanggap ng kani-kanilang mga imbitasyon bago ang awards rites ay maaari nila itong makuha sa reception table sa Jan. 11.

ANNUAL AWARDS

AWARDS

AWARDS NIGHT

CHIEF EXECUTIVE

CORAZON AQUINO

DANNY ILDEFONSO

DOROTHY JOY DELASIN

EDUARDO BUENAVISTA

FIDEL RAMOS

HOLIDAY INN MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with