Matamis na tagumpay para kay Black at Realtors
December 18, 2001 | 12:00am
Ang pagkauhaw sa titulo ang ultimong dahilan para pagpursigihan ng husto ng Sta. Lucia Realty ang nakopong kauna-unahang titulo sa Philippine Basketball Association.
Kamakalawa, winakasan ng Realtors ang siyam na taon nang paghahanap ng titulo nang kanilang agawan ng Governors Cup title ang San Miguel Beer nang kanilang tapusin ang best-of-seven championship series sa 4-2 panalo-talo.
Isang matamis na tagumpay din ito para kay Sta. Lucia coach Norman Black na huling nagkampeon noong 1994All-Filipino Cup na nagbigay sa kanya ng karapatang kumatawan ng bansa sa Hiroshima Asian Games nang nasa kampo pa ito ng SMBeer.
"Its been so long for me personally since Ive won a championship and of course, its been a long time for Sta. Lucia management," pahayag ni Black. "So we both had things that we had to prove in this particular series."
At ang higit na nagbigay kulay sa kampeonatong ito ni Black ay ang title clinching triple ng stepson na si Chris Tan para sa kanyang ika-10 titulo sa PBA.
Pumukol ng nagpanalong tres si Tan sa huling 3.3 segundo ng Game Six para basagin ang 72-pagtatabla.
"That was not the shot we wanted him to take. But he had enough guts, enough heart, to put that shot up when the game was on the line, in sixth game of the championships series from about 26 feet," wika pa ni Black. "As you know, he is my stepson and I couldnt be more proud of him right now."
Ngunit para kay Black, mahalagang papel ang ginampanan nina Marlou Aquino at Gerard Francisco para makaagapay ni import Damien Owens at Dennis Espino na umangat ang performance sa kumperensiyang ito.
Ukol naman kay Francisco, ani Black, "Gerard, if hes not the best player, he could be the most improved player because he definitely stepped-up in the series."
Sa ikalawang pagkakataon sa taong ito, naagawan ng titulo ang San Miguel matapos makopo sa kauna-unahang pagkakataon ang All-Pinoy Cup sa ilalim ni coach Jong Uichico na nasilat ng Batang Red Bull ang SMBeer sa Commissioners Cup. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am