PBA Governors' Cup Finals: Game One
December 5, 2001 | 12:00am
Buwenamanong panalo ang kapwa aasintahin ngayon ng defending champion San Miguel Beer at Sta. Lucia Realty sa pagsisimula ng Game One ng kanilang best-of-seven titular showdown para sa season-ending PBA Governors Cup sa Araneta Center.
Ang labang ito ay inaasahang papabor sa koponan ni coach Jong Uichico na nanggaling sa mahabang bakasyon, taliwas sa Realtors na dumaan muna sa matarik na landas bago nila narating ang kampeonato.
Matatandaan na magaang na naisubi ng Beermen ang unang finals berth matapos na walisin ang kanilang best-of-five semifinals series ng Shell Velocity, 3-0, habang inabot naman ng deciding Game Five ang Realtors bago nila napatalsik ang magiting na nakipaglabang Pop Cola Panthers sa 3-2 sa kanilang sariling semis match.
Ang labang ito ay bale magsisilbing rematch ng Beermen at Realtors kung saan una silang nagharap noong isang taong Commissioners Cup kung saan tinalo ng SMBeer ang SLR, 4-1.
At para sa Robles franchise ang kanilang ikalawang pagtapak sa finals mula ng sumali sa liga noong 1993 ay napaka-importante kung kayat wala silang aaksayahing minuto.
Bagamat aminado ang Amerikanong mentor ng Realtors na si Norman Black paborito sa serye ang tropa ni Uichico dahil sa pagkopo nila ng lima sa anim na titulo sa liga.
Gayunman, kumpiyansa pa rin si Black at sinabi nito na 50-50 ang tsansa ng Beermen dahil sa kanyang malakas na frontliner, bukod pa sa mas malalaki ang kanyang kawal at ang ben-tahe nila sa taas ang isa nilang gagawing sandata.
Siguradong makakatapat ni import Damien Owens ang reinforcement ng Beermen na si Lamonth Strothers, bukod pa na siguradong hahataw ito ng agresibong opensa upang balikatin ang anumang magiging kakulangan ng Realtors. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended