^

PSN Palaro

Lydia de Vega, hindi binigyan ng importansiya?

-
BACOLOD CITY--Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Asia’s sprint queen na si Lydia de Vega?

Ang nagpasikat sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang di mabilang na tagumpay hindi lamang dito sa bansa kundi pati na rin sa mga international competitions. Ang numero unong trackster na pambato ng bansa sa century dash kung saan siya lamang ang tanging naka-back-to-back gold medal sa Asian Games noong 1982 at 1986.

Nakakalungkot isipin na hindi nagawang bigyan ng importansiya ng ilang opisyal ng Philippine Sports Commission na nagpapatakbo ng Philippine National Youth Games-Batang Pinoy, ang ibinigay na karangalan sa bansa ni Mercado, tinatawag na "Diay" ng mga malalapit sa kanya.

Bilang isang prominenteng sports figure ng bansa, dapat sana’y eroplano ang sasakyan ni Diay, hindi barko at sa hotel sana at hindi sa eskuwelahan kung saan nakatira ang mga atleta.

Para magampanan ang kanyang tungkulin bilang technical official ng PATAFA, kinakailangang humingi ng tulong si Diay para sa kanyang plane ticket na ipinagkaloob nina PSC Chairman Carlos Tuason at Commissioner William Ramirez.

Ayon kay Project Director at PSC commissioner Weena Lim, hindi nito batid na bahagi si Diay ng technical committee at hindi ito inabiso ng PATAFA.

Ipinaliwanag nitong boat ride lamang ang nakayanan ng organizing committee para sa mga technical officials na nakatira sa Negros Occidental High School dahil sa kakulangan sa budget.

Bagamat inalok si Diay na tumira na lamang sa Business Inn kasama ang ibang opisyal ng PSC, ito ay tinanggihan niya. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ASIAN GAMES

BUSINESS INN

CARMELA OCHOA

CHAIRMAN CARLOS TUASON

COMMISSIONER WILLIAM RAMIREZ

DIAY

NEGROS OCCIDENTAL HIGH SCHOOL

PHILIPPINE NATIONAL YOUTH GAMES-BATANG PINOY

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with