^

PSN Palaro

Southern Conference title abot-kamay na ng Negros

-
Gumawa si Dennis Madrid kung saan higit na kailangan nang pataubin ng Negros ang Cebu, 94-86 at umusad ag Slashers papalapit sa Southern Conference crown sa MBA Second Phase sa Cebu City Coliseum.

Kumana ng 13 puntos si Madrid, 9 nito mula sa free-throw line sa huling limang minuto upang ibigay sa Slashers ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay matapos matalo sa best-of-five series opener sa USLS Gym sa Bacolod City.

Nakuha din ng Negros ang homecourt edge at kailangan na lamang na daigin ang Gems sa Game four na nakatakda sa Cebu Coliseum sa Miyerkules upang makasulong sa National Finals kontra sa magwawagi sa Northern Conference.

Isang mahusay na pagbabalik ang isinagawa ng Negros makaraang lumubog sa 16 puntos sa kaagahan ng ikatlong quarter. Ngunit nagsiklab si Cid White at naitabla ang iskor sa 71 all.

Isang jumper ang pinakawalan ni John Ferriols bago naipuwersa ni Peter Naron ang ikaanim at huling deadlock sa 73 all.

Ngunit umiskor si Johnedel Cardel sa Blitz 3 at isang followupang isinunod ni Reynel Huganatan matapos sumagot si Joey Santamaria para sa Cebu.

BACOLOD CITY

CEBU

CEBU CITY COLISEUM

CEBU COLISEUM

CID WHITE

DENNIS MADRID

ISANG

JOEY SANTAMARIA

JOHN FERRIOLS

JOHNEDEL CARDEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with