^

PSN Palaro

Reavis, MBA hardcourt Hero of the Week

-
Walang mag-aakalang makakapasok ang defending champion San Juan Knights sa Northern Conference Finals ng 2001 MBA Second Phase matapos ang kanilang dalawang sunod na pagkatalo sa mga kamay ng Laguna Lakers sa eliminations.

Matapos na magpakita ng malakas na showing ang Lakers sa eliminations matapos na pagwagian ang kanilang huling walong laro, inaasahan na magiging mnahirap naman para sa Knights ang kanilang kampanya para sa conference semifinals.

Ngunit taliwas ito at sa halip ay magaang na nawalis ng Knights ang kanilang best-of-three semifinals playoff kontra sa Lakers na siyang nagkaloob sa kanila ng huling finals berth para sa Northern Conference at tsansang makaharap ang Batangas Blades sa best-of-five finals series.

Una kanilang nabura ang homecourt advantage ng Lakers sa pamamagitan ng 88-85 panalo sa Game One noong nakaraang Miyerkules sa Sta. Cruz, Laguna bago muling ginapi ang Lakers sa Game Two, 105-77 noong Biyernes sa San Juan Gym na naghatid sa kanila para sa kanilang ikaapat na final appearance at ikalima sa overall simula noong nakaraang taong Fedex-Cup.

At ang lahat ng ito ay dahil sa Fil-Am na si Raffi Reavis na siyang gumawa ng mahalagang papel sa nasabing panalo ng Knights dahilan upang siya ay mapiling MBA Press Corps bilang Hardcourt Hero para sa linggo ng Nov. 19-25.

Kumana si Reavis ng 26 puntos sa Game One mula sa 10-of-15 field goals at 2-of-2 sa Blitz Three bukod pa ang walong rebounds at tig-isang assist at steal.

Bagamat umiskor lamang ng kalahati sa kanyang output sa Game One, dinomina naman ni Reavis ang boards upang talunin si Jeffrey Flowers ng Laguna sa paghakot ng 22 rebounds at kumpletuhin ang double-double output.

BATANGAS BLADES

BLITZ THREE

GAME ONE

GAME TWO

HARDCOURT HERO

JEFFREY FLOWERS

LAGUNA LAKERS

NORTHERN CONFERENCE

NORTHERN CONFERENCE FINALS

PRESS CORPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with