^

PSN Palaro

Owens, Strothers PBAPC Players of the Week

-
Noong Linggo, nagdasal ang Sta. Lucia at San Miguel na isang tao ang mag-step up para sa kanilang koponan. Dininig ng mga santo ang kanilang panalangin.

Namayagpag sina Sta. Lucia import Damien Owens at San Miguel reinforcement Lamonth Strothers sa court upang bigyan ang kanilang koponan ng magkahiwalay na panalo dahilan para ngumiti pagkatapos ng ikalawang araw ng semifinal round ng Philippine Basketball Association Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Ang beteranong si Strothers ay pumutok sa scoring nang kanyang dedmahin ang bagong estilo ng pagdo-double team ng Shell sa pamamagitan ng pag-atake sa basket at pagpapaulan ng mga triples bago nito basagin ang depensa ng Turbo Chargers.

Dahil dito, nabawasan ang nerbiyos na naramdaman ni coach Jong Uichico bago magsimula ang serye.

Hindi man kasing komportable ni Uichico si Sta. Lucia mentor Norman Black, ngunit sa pamamagitan ng all-around na laro ni Owens kontra sa walang kapagurang Pop Cola five, hindi na ganun kasama ang kinatatayuan ng kanyang Realtors.

"Well, the important thing is we learned that we could win against a solid defensive team like Pop Cola. And we proved that even if we came in as the offensive team in this series, we could also miss shots and win games by making stops on the other end," ani Black, ilang minuto matapos itabla ng Sta. Lucia ang kanilang sariling best-of-five semifinals series kontra sa Panthers matapos ang 79-69 panalo noong Linggo.

Naging malaking susi si Owens sa panalo ng Sta. Lucia, gayundin si Strothers sa 83-70 pamamayani kontra sa Shell sa Game Two.

At dahil dito, naghati ang dalawang import sa Player of the Week award para sa linggong Nov. 19-25.

ARANETA COLISEUM

DAMIEN OWENS

GAME TWO

JONG UICHICO

LAMONTH STROTHERS

NOONG LINGGO

NORMAN BLACK

OWENS

POP COLA

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with