^

PSN Palaro

SMC asam ang sweep, Phil.Star magpapakatatag

-
Para sa league-leader San Miguel Corporation, ang labang ito ay wala ng halaga sa kanila kundi ang pagtaya ng kanilang prinsipyo, habang magta-tangka namang bumangon mula sa huling pagkatalo ang host team Philippine Star sa nakatakdang tatlong pares ng salpukan sa The Philippine Star Friendship League sa Meralco Gym.

Taglay ang impresibong 4-0 win-loss slate, haharapin ng SMC-quintet ang RCBC na may 2-2 record sa unang asignatura dakong alas-8:30 ng umaga.

Bagamat ga-hiblang naitakas ng Beermen ang kanilang panalo kontra sa five-time champion STARmen noong nakaraang Nov. 10, sasabak pa rin sa aksiyon ang SMC-quintet na taglay ang kanilang mas mataas na morale upang isara ang kanilang kampanya sa elimination round na may malinis na record.

Tinalo ng SMC ang Starmen sa iskor na 81-79 kung saan sa labang ito, di nagawang makalayo ng husto ng Beermen na binanderahan ng apat na ex-pro na sina Allan Caidic, Samboy Lim, Art dela Cruz at Siot Tanquincen.

Taliwas ito sa Phil. Star, papagitna sila sa playing area na taglay naman ang matinding paghihiganti mula sa kanilang nalasap na unang kabiguan na siyang dumiskaril sa kanilang inaasam-asam na malinis na pagtiklop ng elimination round bunga ng 3-1 kartada.

At ang pagbubuntunan ngayon ng ngitngit ng tropa ni coach Noli Her-nandez ay ang koponan ng RFM na kanilang makakasagupa sa huling laro bandang alas-11:30 ng umaga.

Isang panalo pa lamang ang naitatala ng RFM matapos ang kanilang apat na laro, na kahit na manalo sila ay wala na ring halaga.

Inaasahang kakayod ng husto sa STARmen sina Jon de Guzman, Noli Lapeña, Arnel Ferrer, Albert Bartolome, Joey Viduya, Rene Recto at Noel Cabales na pumutok sa rainbow area noong huling laro at kinapos lamang siya ng suporta mula sa mga ka-teammates.

At dahil wala na si Sonny Oriondo, inaasahang si Non Alquitran ang siyang babalikat sa iniwang puwesto ng una upang tulungan ang kanyang mga kasamahan na iangat ang STARmen.

Aasintahin naman ng ABS-CBN na maitala ang kanilang ikatlong panalo sa kanilang sagupaan ng wala pa ring panalong UCPB sa alas-10 ng umaga.

vuukle comment

ALBERT BARTOLOME

ALLAN CAIDIC

ARNEL FERRER

BEERMEN

JOEY VIDUYA

KANILANG

MERALCO GYM

NOEL CABALES

NOLI HER

NOLI LAPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with