^

PSN Palaro

Matindi ang magic ni "Bata"

-
Ipinagpatuloy ni Efren ‘Bata’ Reyes ang kanyang magical run sa nakalipas na buwan matapos na ibulsa ang World Pool League title at ang top prize na $15,000 nang kanyang talunin ang walong pinakamahuhusay na manlalaro sa daigdig na inimbitahan sa tournament na ito na ginanap sa Warsaw, Poland.

Sa katunayan, di kasama si Reyes sa roster ng mga kalahok, pero sa tulong ng magkapatid na Jose at Aristeo ‘Putch" Puyat, kanilang ginastusan si Reyes kasama ang iba pang Filipino cue artist na ni-request ng organizers para anyayahan si Reyes bilang karagdagan kay Francisco ‘Django" Bustamante upang isabak sa dalawang British players na kanila ring inimbitahan si Steve Davis at ang nakaraang taong World Pool League champion Steve Knight.

Sariwa pa sa kanyang record-breaking na $160,000 tagumpay sa Tokyo 9-Ball International tournament noong nakaraang linggo, natalo lamang si Reyes ng isang match patungo sa kanyang pagkopo ng titulo sa Poland.

Matapos ang mahigpitang pakikipaglaban sa kababayang si Francisco ‘Django’ Bustamante sa semifinals na kanyang napagwagian sa iskor na 7-6, nakaharap ni Reyes ang British snooker ace Steve Davis, ang nakalaban naman ng World Pool Champion Mika Immonen sa finals.

Natalo si Reyes sa kanyang final Group 2 match kay Immonen, ngunit hindi siya nag-aksaya ng pagkakataon nang makaharap naman niya si Davis at itinakas ang 9-5 panalo. Nakuha ni Reyes ang 4-1 kalamangan, pero ginamit ni Davis ang kanyang clinical attack at depensa upang maitabla ang iskor sa 5-5 sa harapan ng standing room only crowd sa University of Warsaw Arena.

Hindi nabahala si Reyes at muli siyang nakabalik sa dating porma matapos na magpamalas ng ilang spectacular shots sa sumunod na apat na racks, habang pinapanood na lamang ni Davis ang kanyang pagkatalo.

"I was lucky tonight because Steve made a couple of mistakes and left the balls out for me. I always like to play him because he is such a good player. I am delighted to have won this tournament in front of such a great crowd," pahayag ni Reyes.

BALL INTERNATIONAL

BUSTAMANTE

DJANGO

KANYANG

REYES

STEVE DAVIS

STEVE KNIGHT

UNIVERSITY OF WARSAW ARENA

WORLD POOL LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with