^

PSN Palaro

PCA Open Tennis Championship: Pinay netter bigo sa titulo

-
Binigo ni 3rd seed Sonal Phadke ng India na makamit ni Czarina Mae Arevalo para sa women’s singles title makaraang igupo ito sa iskor na 6-4, 6-2 sa P400,000 PCA Open Tennis Championships.

Higit na agresibong laro ang ipinakita ng 19 anyos na si Phadke at madaling nakapag-adjust sa laro ni Arevalo upang mapagwagian ang laban at halagang P30,000 na pangunahing premyo.

"I did well today. I was confident of winning, maybe because I beat the top seed in the semifinals," pahayag ni Phadke na sumibak sa kababayang si Radhika Tulpule, 6-2, 6-1 noong Biyernes.

"Arevalo is a very promising player. Her cross-court backhand is good. But I adjusted well to her game. When she tried to spin the ball higher I tried to keep my ball low," dagdag pa ni Phadke na kasalukuyang number 7 sa kanilang bansa.

Inaasahan na ng world’s No. 551 Indian baseliner na papa-bor ang mga manonood kay Arevalo kung kaya’t binalewala niya ito.

Aminado naman si Arevalo, miyembro ng RP-Federation Cup team sa kanyang pagkatalo.

"Marami akong errors, malayo ako sa bola at hindi ako makahabol sa rally," sabi ni Arevalo, 16-anyos high school junior sa Angelicum School sa Quezon City.

"Binabalikan ako ni Phadke. Kapag nakakuha siya ng tiyempo, pinapatay ang bola," dagdag pa ni Arevalo.

Samantala, konsolasyon naman ang pagkapanalo nina Arevalo at ng katambal na si Cris Cuarto para makopo ang mixed doubles title at makapareha naman si Rina Caniza para naman sa women’s doubles crown.

ANGELICUM SCHOOL

AREVALO

BUT I

CRIS CUARTO

CZARINA MAE AREVALO

FEDERATION CUP

OPEN TENNIS CHAMPIONSHIPS

PHADKE

QUEZON CITY

RADHIKA TULPULE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with