Nakatakda ang muling pagtitipan ng Slashers at Blades sa alas-5:30 ng hapon.
Ang dalawang koponan ay kapwa nakakasiguro na ng No. 1 qualifying spot sa kani-kanilang conferences at iisa lamang ang ibig na mangyari ng Negros ang supilin ang dominasyon sa kanila ng Blades.
Hawak ng Batangas ang 11-2 sa Northern Conference, habang nag-iingat naman ang Negros ng 9-4 win-loss slate sa Southern Conference.
Tinalo ng Blades ang Slashers sa una nilang paghaharap sa iskor na 82-68 noong Nov. 4.
At dahil hawak ng Blades ang liderato sa kanilang grupo,maaari na itong mag-relax dahil hihintayin na lamang nila ang kanilang makakaharap para sa best-of-five semifinal series sa pagitan ng San Juan at Laguna na nakatakdang magharap para sa kanilang sariling best-of-three series.
Gayundin ang Slashers, hihintayin na lamang nila ang mananalo sa pagitan naman ng Davao at Cebuana Lhuillier na magsasagupa para sa isa pang semis match.
Nauna rito, nakatakdang maglaban ang San Juan at Nueva Ecija sa alas-3 ng hapon na dadako sa Araullo Gym sa Cabanatuan City.