Kasalukuyang nasa Amerika ang business manager ni Pacquiao na si Rod Nazario upang makipagnegosasyon sa Home Box Office (HBO) para sa isang deal na isahimpapawid ang planong laban sa world-wide cable TV network.
Sinabi ng katambal ni Nazario na si Lito Mondejar na hindi bababa sa $150,000 ang magiging premyo ni Pacquiao kung papayag ang HBO na suportahan ang naturang laban.
Ang ikalawang option ay idaos ang nasabing laban sa Amerika kung saan dito gumawa si Pacquiao ng kanyang sariling pangalan sumunod kay Pancho Villa, ang flamboyant at hard-hitting na dating world flyweight champion na yumanig sa Amerika noong 1920s.
Ang 26-anyos na si Fahprakob ang kasalukuyang IBF Intercontinental 122-pound titlist. Siya ay nag-pro noong 1992 at hawak ang ring record na 35-2 na may 22 knockouts. Napagwagian din ng Thai ang kanyang huling 30 laban at hindi pa siya natatalo simula ng pabagsakin ang kababayang si Hadao CP-Gym sa puntusan noong 1993.
At noong 1994, nasungkit ni Fahprakob ang World Boxing Federation (WBF) bantamweight crown. Nagsagawa rin siya ng pitong depensa sa kanyang WBF title bago nailuklok ito sa super-bantamweight division noong 1997.