^

PSN Palaro

Pinoy nasa finals

-
WARSAW, Poland -- Pareho ang kanilang initials, magkasalo sa iisang kuwarto dito at kapwa rin nagsisilbi sa Armed Forces back home. Ngunit ang pagkakapareho nina Violito Payla at Vincent Palicte ay nagwakas dito.

Para kay Payla, sumuntok ito ng mahusay patungo sa kanyang finals appearance sa flyweight class ng Feliks Stamm International Boxing Championship noong Biyernes ng gabi nang kanyang talunin si Sebastian Gouthier ng Canada sa pamamagitan ng impresibong 26-8 panalo na siyang sumira sa tangka ng host team na maging perpekto ang kanilang kampanya dito.

Nakapasok ang Polish boxers sa 12 finals berth, ang siya nilang impresibong tagumpay kung ikukunsidera ang bigat ng kompetisyon na kinabibilangan ng bantamweight class kung saan naitakas ni Andrei Liczik ang 26-9 panalo kontra Palicte.

"Hindi ko nga alam na kinuha yung score dahil konti lang ang tama sa akin," wika ni Palicte, na bahagyang na-upset dahil batid niya na nakapagpatama siya ng solidong suntok ng mas marami kumpara sa kanyang kalaban.

Tinapos rin ng Polish pug ang pangarap ni featherweight Roel Laguna na makarating sa finals nang siya ay matalo kay Krzysztof Szot, 24-9 sa umagang semis match.

Nakasiguro na ang Team Philippines ng dalawang bronze medals at posibleng makapag-uwi sila ng ginto kung mananaig si Payla ang siya na lamang nalalabing pag-asa ng bansa.

Makakalaban ni Payla sa gold ang isa ring Polish pug na si Andrzej Rzamy na inaasahan niyang magiging mahigpit ang kanilang laban.

ANDREI LICZIK

ANDRZEJ RZAMY

ARMED FORCES

FELIKS STAMM INTERNATIONAL BOXING CHAMPIONSHIP

KRZYSZTOF SZOT

PALICTE

PAYLA

ROEL LAGUNA

SEBASTIAN GOUTHIER

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with