^

PSN Palaro

Tokyo 9 Ball Tournament: Bata Reyes vs Feijen sa finals

-
Ipinagpatuloy ni Efren "Bata" Reyes ang kanyang pananalasa sa star-studded field sa pinakamalaking pool tournament ang Tokyo 9-Ball International Billiard Tournament matapos na pumasok sa finals kung saan ang top prize ay $160,000 (tinatayang aabot sa P8.3 milyon) at mapupunta naman sa runner-up ang $64,000.

Makakaharap ni Reyes si Neils Feijen ng Netherlands na nanaig kontra Fong-Pang Chao ng Taiwan na nagtala ng 13-8 panalo sa semifinals sa race-to-15 finals match simula sa alas-7 ng gabi (alas-6 ng gabi sa Manila).

Habang ang mga tigasing cue artists ay unti-unting nagsisibagsak sa knockout format na humakot ng atensiyon ng 700 manlalaro mula sa 32 bansa, ipinakita naman ni Reyes ang kanyang mahika nang kumpletuhin ang kanyang pagwawalis sa mga lamesa matapos na banderahan ang kampanya ng Philippines sa quarterfinals at nakasama niya ang nakaraang taong Japan Open champion Antonio Lining at ang kasama niya sa Southeast Asian Games na si Warren Kiamco.

Nagawang ipaghiganti ni Reyes ang kanyang natamong pagkatalo sa mga kamay ni Kiamco sa katatapos pa lamang na SEA Games sa pamamagitan ng 13-5 panalo at naungusan niya si Lining ang siyang mahigpit niyang kalaban sa quarterfinals sa 13-11 sa Convention Center ng "Sunshine City," ang pinakamalaking shopping mall at business center sa Tokyo.

Kinuha agad ng 1999 World Pool Champion ang 5-0 kalamangan at hindi na binigyan ng pagkakataon si Kiamco na makabangon sa laban. Bagamat nakaporma ang SEA Games gold medalist at naibaba niya ang bentahe ni Reyes sa 8-4, naglabas ang tubong San Fernando, Pampanga na si Reyes ng mahusay na paglalaro upang tuluyan ng itakas ang kanyang panalo.

Umentra si Kiamco sa semifinals nang kanyang gapiin si Michael Schmidt ng Germany, 13-10 at nagbulsa ito ng $32,000, habang nag-uwi naman si Lining ng $16,000.

ANTONIO LINING

BALL INTERNATIONAL BILLIARD TOURNAMENT

CONVENTION CENTER

FONG-PANG CHAO

JAPAN OPEN

KIAMCO

MICHAEL SCHMIDT

NEILS FEIJEN

REYES

SAN FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with