Hawak ang 7-4 win-loss slate, kailangan ng Kights na ma-sweep ang kanilang huling tatlong laro upang maunahan ang Laguna Lakers (10-3) at maagaw ang homecourt advantage sa kanilang best-of-three series para sa karapatang hamunin ang top qualifier Batangas (11-1) para sa conference crown.
Tinalo ng Knights ang Gems, 91-73 sa kanilang unang pagkikita noong Oktubre 10 at muli silang paborito na maduduplika ang nasabing tagumpay matapos na matalo ang huling tatlong laro ng Gems.
Taglay ang 4-8 kartada, kailangan ng Gems na maipanalo ang kanilang laro upang manatili rin sa No. 2 slot sa Southern Conference kung kayat inaasahang agresibong opensa ang kanilang ibibigay.
Siguradong muling sasandalan ni coach Philip Cezar ang mga kamay nina Chris Calaguio, Bruce Dacia, Chito Victolero, Rafi Reavis at Omanzie Rodriguez upang tapatan ang lakas ng Gems at ihatid ang Knights sa panalo.
Nauna rito, haharapin ng Nueva Ecija ang Davao sa alas-3 ng hapon sa Araullo Gym sa Cabanatuan City.