Iligan's mermaid tuloy ang pananalasa
November 14, 2001 | 12:00am
TUBOD, LANAO DEL NORTE--Muli na namang pumukaw ng pansin ang pool sensation Genevie Natinga nang magbulsa ulit ito ng apat na golds upang isama sa kanyang kabuuang walo nang ipagpatuloy ng Iligan City ang kanilang pananalasa sa languyan sa ikalawang araw ng kompetisyon sa First Mindanao Friendship Games sa Mindanao Civic Center dito.
Dinuplika ni Natinga ang kanyang naunang sinungkit na apat na ginto at silver medal nang languyin nito ang ginto sa 50-m freestyle, 100-m freestyle, 400-m individual medley at 50-m breaststroke at silver medal finish sa 800-m freestyle nang araw na humakot ang Iligan City tankers ng pitong iba pang golds.
Dahil sa kanilang dominasyon sa pool, napaganda ng Iligan City ang kanilang kampanya sa naibulsang 13 golds, 11 silvers at walong bron-zes kung saan may tatlo pang golds na nagmula kay Nikko Cao Hok (400-m freestyle, 100-m butterfly) at Shahani Navarro (800-m freestyle).
Umagaw rin ng eksena si Norton Alamara ng Coastland Davao Swim Team kay Natinga nang kanyang umitin ang tatlong ginto sa ikalawang araw upang isama sa kanyang kabuuang limang golds, habang nanatiling nasa ikalawang puwesto ang legendary Jairullah Jaitullahs squad sa likod ng Iligan City na may walong gold, apat na silver at apat na bronze medals.
Kinana ni Mark Cyrus Trifalgar ang ika-14 ginto ng Iligan City sa kanyang gold medal performance sa mens shotput.
Bumato si Trifalgar ng distansiyang 10.78-m upang talunin sina provincemate Erwin Pitogo (10.62m) at Harold Cabal ng Tangub City (10.36m).
Ang ginto ni Alamara ay mula naman sa 200-m breaststroke, 100-m breaststroke at 50-m butterfly, habang nahapit naman ng koponan ni Jaitullah ang kanilang ikalawang ginto sa 4x100-m relay. Ibinigay ng anak ni Jaitullah na si Jay ang huli sa limang ginto ng CDSTs kahapon matapos na magdomina sa 200-freestyle.
Samantala, habang nag-aagawan ang Marawi at Cagayan de Oro kung sino sa kanila ang siyang may karapatan para sa pagho-host ng kasalukuyang 2002 Mindanao Friendship Games, nagpahayag naman ng maagang interes ang Davao Oriental na maging punong abala sa darating na 2003 edisyon ng Games.
Nakatakdang ipormalisa nina Davao Oriental Governor Ma. Elena Palma Gil at Mati Mayor Francisco Rabat ang kanilang bidding para sa 2003 Games sa Mati, Davao Oriental, ngayong linggo bilang bahagi ng kanilang partisipasyon sa limang araw na meet.
Ang Marawi at Cagayan de Oro ang siyang main contenders para sa susunod na taong Games.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended