5 mahuhusay na atleta sa Mindanao Friendship Games kikilalanin
November 10, 2001 | 12:00am
TUBOD, LANAO DEL NORTE--Pagkakalooban ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Provincial ng Lanao Del Norte ng recognition ang limang mahuhusay na atleta mula sa Mindanao sa pagbubukas ng kauna-una-hang Mindanao Friendship Games bukas sa Mindanao Civic Centre dito.
Igagawad nina Gov. Imelda Dimaporo at PSC commissioner William Butch Ramirez, ang overall project director ang plaques of appreciation sa limang kahanga-hangang atleta sa inagurasyon ng pinakamalaking event na gaganapin sa region mula ng idaos ang Mindanao Meet noong 60s.
"These are the athletes who serve as inspirations of Mindanaos young aspiring athletes to strive hard and to achieve such heroics," pahayag ni Governor Dimaporo.
Ang mga pararangalan ay sina dating sprint queen Mona Sulaiman, swimmer Jairula Ambali Jaitulla, cager Francisco Rabat at karateka Joey Pabillore, isang tubong Cagayan de Oro City na naghatid sa bansa ng gold medal sa karatedo noong 2001 Kuala Lumpur Southeast Asian Games.
Isa sa limang pararangalan ay si Jaime Sebastian, tubong Zamboanga City, na nagbigay naman sa Mindanaoans ng tagumpay sa weightlifting kung saan isa rin siyang pinakamalakas na tao sa Asia mula 1977-1989 na ang nasabing tagumpay ay walang sinumang Pinoy na makakaduplika.
Bago sumikat sina Lydia de Vega-Mercado at Elma Muros-Posadas, panahon muna ni Sulaiman ang unang sumungkit ng mga puso ng Filipinos at ng iba pang Asians country nang tanghaling pinakamabilis na babae sa rehiyon noong 1962, habang si Jaitulla ang 1964 Los Angeles Olympic Games veteran na lumaki sa Saisi, Jolo ang siyang nagsilbing role model ng mga kabataang tankers.
Naging bahagi naman ang basketball Hall of Famer na si Francisco Rabat, na mula sa Mati, Davao Oriental ng RP cage team na lumahok sa 1954 World Championship sa Rio De Janerio, Brazil at sa 1958 Tokyo Olympics.
Kabilang sa mga sports event na nakalinya sa meet na ito ay ang arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, boxing, chess, football, pencak silat, sepak takraw, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at volleyball.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest