PBA Governors' Cup: Shell may bentahe na
November 10, 2001 | 12:00am
Humakot si import Askia Jones ng 15 sa kanyang tinapos na 36-puntos sa ikalawang quarter nang kumawala ang Shell Velocity tungo sa 96-83 panalo kontra sa Purefoods Tender Juicy Hotdogs kagabi sa pagpapatuloy ng umiinit na eliminations ng PBA season-ending Governors Cup sa PhilSports Arena kagabi.
Napormalisa ng Turbo Chargers ang kanilang pag-usad sa Top Four slot upang tularan ang league leader na Sta. Lucia Realty na mayroon nang twice-to-beat advantage patungo sa eight-team quarterfinals.
Nagtala ng perpektong 3-of-3 three-point shooting si Jones para sa kabuuang 13-of-23 field shooting ng Shell kumpara sa Purefoods TJ Hotdogs na nalimitahan sa 4-of-17.
Katabla na ngayon ng Turbo Chargers ang Sta. Lucia sa 8-4 record at kung kanilang maipapanalo ang huling asignatura kontra sa Alaska Aces ay mapapasa kamay nito ang No. 1 slot patungo sa quarterfinal phase kung saan ang pairings ay No. 1 versus No. 8, No.2 kontra No. 7, No. 3 laban sa No. 6 at No.4 na haharap sa No. 5.
Lalo namang nalagay sa bitag ng pagkakatalsik sa kontensiyon ang Pure-foods sanhi ng kanilang ikawalong pagkatalo sa 12-laro at obligado itong ipanalo ang huling laro kontra sa Red Bull at umasang may makatabla ito sa No. 8 slot para makahirit sa susunod na round.
Matapos mabaon sa 18-21 sa pagtatapos ng unang canto, humakot ang Shell ng 29-puntos sa pamumuno ni Jones na gumawa ng 60-points performance sa nakaraang 111-88 panalo ng Shell kontra sa Sta. Lucia habang nalimitahan sa 9-puntos lamang ang Purefoods na nagkaloob sa Turbo Chargers ng 47-30 kalamangan sa halftime.
Samantala, nagdiwang naman si PBA commissioner Jun Bernardino kahapon ng kanyang ika-54 kaarawan at isa sa kanyang birthday wish ay manalo sana ang bansa sa nalalapit na Asian Games.
Ano mang araw sa susunod na linggo ay ihahayag ni Bernardino ang tatayong coach ng Pambansang koponan at ito ang siyang pipili ng komposisyon ng RP team na sasabak sa Pusan Games sa susunod na taon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest