^

PSN Palaro

2001 PBL Challenge Cup: Montana lusaw sa Welcoat

-
Bago tuluyang mahimbing ang Welcoat ginising nina Jojo Manalo at Celino Cruz ang opensa ng Paint Masters upang isulong ang 98-84 panalo kontra sa Montana Pawnshop kahapon sa pagpapatuloy ng PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Matapos makalapit sa 3-puntos ang Jewelers na nabaon sa 11-puntos sa bu-ngad ng fourth quarter, pinagbidahan nina Cruz at Manalo ang 19-8 run upang ihatid sa 96-82 panigurong kalamangan ang Welcoat.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Paint Masters sa ikalawang kumperen-siyang ito, ika-19 mula pa nang kanilang ma-sweep ang Shark Energy Drinks sa nakaraang Chairmans Cup.

Na-sweep ng Welcoat ang 5-laro sa Athletes Haven Cup sa Baguio at ang 8-laro sa nakaraang Open Invitational tournament para sa tatlong sunod na titulo.

Sina Ritualo at Manalo ay tumapos ng 21 at 20 puntos ayon sa pagkakasunod bukod pa sa 20 puntos ni Yancy de Ocampo upang maduplika ng Paint Masters ang 95-60 pananalasa sa Ana Freezers sa kanilang laro noong opening game.

vuukle comment

ANA FREEZERS

ATHLETES HAVEN CUP

CELINO CRUZ

CHAIRMANS CUP

CHALLENGE CUP

JOJO MANALO

MAKATI COLISEUM

MANALO

PAINT MASTERS

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with