^

PSN Palaro

PBA Governors' Cup: Shell target ang twice to beat tiket

-
Makopo ang ikalawang twice-to-beat ticket ang susunggaban ngayon ng Shell Velocity, habang manatiling buhay ang pag-asa patungo sa quarterfinal round ng PBA season-ending Governors Cup ang layunin ng Purefoods TJ Hotdogs, Tanduay Gold Rhum at Barangay Ginebra.

Ikatlong sunod na panalo, ikawalo sa kabuuang 12-laro ang tangka ng Turbo Chargers kontra sa TJ Hotdogs sa pambungad na laban sa ganap na alas-5:05 ng hapon, habang nakataya naman ang playoff ticket sa engkuwentro ng Rhummasters at Gin Kings sa ikalawang laro, dakong alas-7:10 ng hapon.

Dahil dikit-dikit ang labanan, anim na panalo ay sapat lamang para sa playoff kaya’t nanganga-ilangan pa ang defending champion San Miguel Beer, Pop Cola Panthers at Batang Red Bull na pare-parehong may 6-6 record na manalo pa ng isa para pormal na makapasok sa quarterfinals.

Ang Ginebra, Tanduay kasama ang walang larong Alaska ay pare-parehong may 5-7 karta-da at ang lahat ng ito ay nangangailangang ipanalo ang kanilang huling asignatura upang makahirit sa susunod na round.

Pinakadelikadong masisibak sa kontensiyon ay ang Purefoods na nangu-ngulelat ng kanilang 4-7 kartada kaya’t obligado itong ipanalo ang kanilang laban ngayon kontra sa Shell at sa Red Bull upang makasulong sa susunod na round.

vuukle comment

ANG GINEBRA

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

GIN KINGS

GOVERNORS CUP

POP COLA PANTHERS

PUREFOODS

RED BULL

SAN MIGUEL BEER

SHELL VELOCITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with