Tumapos naman si Michael Finley ng 31 puntos at nagdagdag naman si Steve Nash ng 16 puntos para sa Mavericks na nagtala na ng 4-1 panimula.
Umiskor si Elden Campbell ng 17 puntos at 10 rebounds para manguna sa Hornets na bumagsak sa 2-2. Nag-dagdag si David Wesley ng 16 puntos at nagbigay naman sina Baron Davis at Jamal Mashburn ng tig-14 puntos.
Sa Houston, nagsalpak si Steve Francis ng 22 puntos kabilang ang walo sa final canto at humatak ng 10 rebounds at walong assists upang ihatid ang Houston sa 99-93 panalo kontra Denver Nuggets.
Pinukol ni Francis ang lahat ng walong puntos sa fourth-quarter sa tatlong minutong nalalabi upang ibigay sa Rockets ang 85-81 pangunguna patungo sa 95-85 kalamangan may 1:07 ang oras sa laro.
Sa San Antonio, iginuhit ni Tim Duncan ang kanyang ikalimang sunod na double-double sa kanyang 26 puntos at 14 rebounds para igiya ang San Antonio sa 104-89 panalo laban sa Orlando Magic.
Nag-ambag si David Robinson ng 17 puntos, habang 15 ang kay Malik Rose at 12 naman ang sa rookie na si Tony Parker matapos na umusad sa starting lineup.
Sa Minneapolis, itinabla ni Wally Szczerbiak ang dati niyang career-high na 28 puntos sa halftime at tumapos ng 35 puntos nang igupo ng Minnesota ang New York upang manatiling walang talo.
Umiskor si Terrell Brandon ng walong puntos at pito naman ang kay Anthony Peeler sa nasabing run. Ang jumper ni Brandon mula sa kanang bahagi ang naghatid sa Minnesota ng pinaka-malaking kalamangan na 82-63.
Sa Miami, humataw si Eddie Jones ng 25 puntos kabilang ang game-winner may 1.7 segundo ang nalalabi sa overtime upang iangat ang Miami Heat sa 87-85 panalo kontra sa Seattle Super-Sonics.
Nakuha ng Miami ang kanilang panalo kahit wala ang star center na si Alonzo Mourning na nag-withdraw bunga ng food poisoning.
Umiskor si Jones ng limang puntos sa overtime upang tulungan ang Heat na wakasan ang kanilang dalawang sunod na talo at talunin ang Seattle sa ikaanim na pagkakataon sa kasaysayan ng kanilang prangkisa.
Sa iba pang laro, tinalo ng Indiana Pacers ang Philadelphia 76ers, 87-77, pinabagsak ng Sacramento Kings ang Cleveland Cavaliers, 115-99.
Samantala, idinagdag ng Atlanta Hawks si Toni Kukoc sa kanilang injured list noong Martes matapos na ang beteranong forward ay magkaroon ng strained right quadriceps.
Natamo ni Kukoc ang injury noong Lunes sa 109-88 pagkatalo ng Hawks sa road sa Los Angeles Clippers.