^

PSN Palaro

NBA games NBN 4

-
Inihayag noong Miyerkules ni NBN President at Chairman Mia Concio na kanilang sisimulan ang pagpapalabas ng NBA games sa Linggo sa NBN Channel 4 simula sa alas 9 ng gabi.

"NBA comes home to NBN," ani Concio."NBA fans need not worry over its airing. The entire basketball series will be shown on NBN until July next year."

Ang NBN ang siyang exclusive carrier ng NBA Games’ regular season, ang all-star games at ang finals. Ito ay ipalalabas tuwing araw ng Huwebes sa alas-10-12:30 ng umaga makaraan ang NBN’s TeleDyaryo at Linggo simula alas-9 hanggang 11:30 ng gabi.

Sina Concio at ang NBN Network manager Jose Isabelo ay pumirma ng blocktime contract kay William Tieng at Peter Chanliong ng Solar Entertainment para ngayong taong American basketball season.

Ang laro sa Linggo ay magtatampok sa pagbabalik ni Michael Jordan na lumalaro sa Washington Wizards.

Ipalalabas rin ng live ng NBN ang mga larong PBL na magbubukas sa Sabado kung saan maghaharap ang Welcoat at ang Ana Freezers sa Makati Coliseum simula sa alas-2 ng hapon.

ANA FREEZERS

CHAIRMAN MIA CONCIO

JOSE ISABELO

LINGGO

MAKATI COLISEUM

MICHAEL JORDAN

NBN

PETER CHANLIONG

SINA CONCIO

SOLAR ENTERTAINMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with