^

PSN Palaro

PBA Governors'Cup: Twice to beat asam ng Phone Pals

-
Ikalawang twice-to-beat ticket ang kakabit ng panalo ngayon ng Talk N Text na nakatakdang sumagupa sa Barangay Ginebra na sa wakas ay may import na habang makaiwas sa pagkakasibak sa kontensiyon ang pakay ng Tanduay Gold Rhum.

Magku-krus ang landas ng Gin Kings at Phone Pals sa tampok na laro ngayon sa PBA season ending Governors Cup na nasa kainitan na ng eliminations sa pagdako ng aksiyon sa Cuneta Astrodome sa Pasay.

Bago matunghayan ang alas-7:10 na sagupaan ng Talk N Text at Gin Kings, magkikita naman ang Tanduay Gold Rhum at defending champion San Miguel Beer sa opening game sa ganap na alas-5:05 ng hapon.

Kung magtatagumpay ang Phone Pals, makakasiguro ito ng slot sa top-four na makakakuha ng bentaheng twice-to-beat.

Taglay ang 7-3 pana-lo-talo, sinusundan ng Talk N Text sa team standings ang walang larong Sta. Lucia Realty na may 8-3 kartada na siyang kauna-unahang nakasiguro ng bentaheng twice-to-beat.

Ipaparada naman ngayon ng Gin Kings na kabi-ang sa three-way logjam sa 4-7 record kasama ang Alaska Aces at Purefoods TJ Hotdogs, ang kanilang ba-gong import na si Bubba Wells upang makabangon sa tatlong sunod na kabiguan para makasiguro ng play-off para sa huling quarterfinals berth.

Nasa kulelat ng standings sa kasalukuyan ang Rhummasters bunga ng pinakamasagwang 3-7 record, at kailangan nilang ipanalo ang huling tatlong laro kabilang ang kanilang laban ngayon upang makausad sa susunod na round.

Sa 10 koponan na naglalaban sa ikatlong kumperensiyang ito, dalawa ang di makakasama sa eight-team quarter-finals kung saan nakakasiguro na ang Shell Velocity, San Miguel at Pop Cola bukod pa sa Sta. Lucia at Talk N Text.

Dahil may panibagong pag-asa na ngayon ang Ginebra sa katauhan ni Wells, inaasahang makakabawi ang Gin Kings sa 78-81 pagkatalo kontra sa Talk N Text noong October 12.

Nanalo naman ang San Miguel, 85-79 sa kanilang naunang pakikipagsagupa sa Tanduay noong Oct. 14.

vuukle comment

ALASKA ACES

BARANGAY GINEBRA

BUBBA WELLS

CUNETA ASTRODOME

GIN KINGS

GOVERNORS CUP

PHONE PALS

SAN MIGUEL

TALK N TEXT

TANDUAY GOLD RHUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with