Ang panalong ito ay nagsilbing isang maikling homecoming para sa CAR na dinomina ang nasabing event tatlong taon na ang naka-raraan.
Ginawang sandigan ng Ifugao judokas ang kanilang pagiging physically at mentally fit upang mapaghandaan ang muling pagbawi ng kanilang korona matapos na talunin ang Zamboanga Team A.
Naibulsa ng CAR ang apat sa pitong final events kontra sa Zam-boanga. Kumatawan sa Western Mindanao sa dalawang araw na kompetisyon.
Iniangat nina Adam Cuevas, Kenneth Masnan, Noel Jimenez at Larry Fabian ang kampanya ng CAR upang dominahin ang mens division.
Tatlong events ang napagwagian ni Cuevas na lumahok sa 73 kilograms natatanging judokas na walang talo.
Nakuntento lamang ang natanggalan ng koronang National Capital Region na makisalo sa ikatlong puwesto sa Zamboanga Team C sa eight teams event na ito na inorganisa ng Philippine Amateur Judo Association upang maging basehan sa pagpili ng miyembro ng National team na kakatawan sa bansa sa Asian Judo Championship na kapwa nakatakda sa Korea at Japan sa December.