^

PSN Palaro

CAR nakopo ang kampeonato sa 45th National Team Judo Championship

-
Sinungkit ng Cordillera Autonomous Region (CAR) ang korona sa men’s at women’s division sa katatapos pa lamang na 45th National Team Judo Championship na ginanap sa Pearl Plaza sa Parañaque City.

Ang panalong ito ay nagsilbing isang maikling homecoming para sa CAR na dinomina ang nasabing event tatlong taon na ang naka-raraan.

Ginawang sandigan ng Ifugao judokas ang kanilang pagiging physically at mentally fit upang mapaghandaan ang muling pagbawi ng kanilang korona matapos na talunin ang Zamboanga Team A.

Naibulsa ng CAR ang apat sa pitong final events kontra sa Zam-boanga. Kumatawan sa Western Mindanao sa dalawang araw na kompetisyon.

Iniangat nina Adam Cuevas, Kenneth Masnan, Noel Jimenez at Larry Fabian ang kampanya ng CAR upang dominahin ang men’s division.

Tatlong events ang napagwagian ni Cuevas na lumahok sa 73 kilograms natatanging judokas na walang talo.

Nakuntento lamang ang natanggalan ng koronang National Capital Region na makisalo sa ikatlong puwesto sa Zamboanga Team C sa eight teams event na ito na inorganisa ng Philippine Amateur Judo Association upang maging basehan sa pagpili ng miyembro ng National team na kakatawan sa bansa sa Asian Judo Championship na kapwa nakatakda sa Korea at Japan sa December.

ADAM CUEVAS

ASIAN JUDO CHAMPIONSHIP

CORDILLERA AUTONOMOUS REGION

KENNETH MASNAN

LARRY FABIAN

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL TEAM JUDO CHAMPIONSHIP

NOEL JIMENEZ

PEARL PLAZA

PHILIPPINE AMATEUR JUDO ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with