RP record binaril ni Padilla
October 31, 2001 | 12:00am
Di pa rin nagbabago ang pulso ni national shooting champion Nathaniel Tac" Padilla nang kanyang dominahin ang tatlong pistol competitions na tinampukan ng pagwasak sa mga dating Philippine record kamakailan sa buwanang eliminations sa Marine Range sa Fort Bonifacio Makati City.
Tumudla ang 37-anyos general manager ng Spring Cooking Oil ng 569 puntos upang burahin ang dating marka na 568 at magaang na igupo si Gilbert Escobar (547) at Arthur Cabinian (543) sa standard pistol event.
Nanguna rin si Padilla sa rapid fire at center fire competitions. Siya ay umasinta ng 579 points sa rapid fire upang kumawala kina Carlos Vincent Medina (562) at Inocentes Dionesa (559) at kumana naman ng 572 sa center fire upang walisin sina Dionesa (558) at Cabinian (552).
"Im so happy to break my own mark," ani Padilla sa kanyang standard pistol performance."I credit my dad (former Olympian Mariano Tom Ong) who kept pushing me to focus more on the sport for my fruitful campaign."
Magaang ring tinabunan ni Padilla ang standards set ng Philippine National Shooting Association na nagbukas ng kanilang eliminations para sa national squad noong nakaraang Oct. 21 sa kanyang itinumbang 562 sa standrad pistol at 568 sa rapid fire.
Dinomina rin nina Carolino Gonzales, Susan Aguado at Therese Cantada ang iba pang events.
Bumaril si Gonzales ng 576 sa air pistol upang mahigitan ang nakababatang kapatid na si Marcelo (560) at Gilbert Escobar (559) at 543 sa free pistol upang silatin sina Rene Marterior at Marcelo na kapwa umiskor ng parehong 527.
Umalagwa naman si Aguado ng 371 puntos para ungusan si Paulette Crespillo (368) at Therese Cantada (365) sa womens air pistol competition, habang nagposte naman si Cantada ng 570 upang bawian si Aguado (555) at Crespillo (504) sa ladies sport pistol match.
Nagtakda ang PNSA ng 571, 378, 549 at 570 bilang qualifying marks sa mens air pistol, womens air pistol, free pistol at ladies sport pistol, ayon sa pagkakasunod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended