Isang 19-0 rally ang inilatag ng Jewelers upang wasakin ang kanilang deadlock ng Osaka kung saan gumana ang kanilang long shots.
Nakalubog ang M. Lhuillier sa siyam na puntos, 32-41 nang magbaba sina Daryl Smith, Michael Dumdum at Aldrin Ocanada ng 7-0 run upang ibaba ang kalamangan ng Osaka sa kalagitnaan ng third canto.
Muling lumayo ang Osaka nang pumukol ng tres sina Junnel Maglasang at Rasneil Paglinawan, ngunit ito na ang kanilang huling oposisyon nang maghatag ng mala-moog na depensa ang Jewelers at di na paiskorin pa ang Iridologist sa halos 12 minuto ng final canto.
Bumandera sina Woodrow Enriquez at Jerry Jaca sa M. Lhuillier nang tumapos ng tig-11 puntos, habang nagtala naman sina Smith at Rey Cantona ng tig-10 puntos.
Nanguna naman sa Osaka sina Maglasang at paglinawan ng 18 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod.