Umabot sa 29 manlalaro mula sa 32 draw ang lumagda kahapon sa qualifying, 18 dito ay mula sa Philippines kung saan pito ang umusad sa final qualifying na lalaruin ngayon simula alas-10 ng umaga.
Kinailangan ni Charise Godoy na mag-rally mula sa 2-4 pagkatalo sa unang set bago niya nahatak ang 6-4, 7-5 panalo kontra Ziarla Battad matapos na mabigo sa kanyang serbisyo sa 4th game.
"I was losing my rythmn and she took advantage of that. I am happy that I still won the match, tomorrow will be a difficult match but I will give my best," wika ng ipinagmamalaki ng Ozamis City na si Godoy.
Makakaharap niya sa final qualifying ng event na ito na sponsored ng Union Cement, ITF Grand Slam Development Fund, PSC, Wilson balls, Viva Mineral Water at Traders Hotel si Kim So Jung ng Korea na magaang na namayani kontra kay Josephine Paguyo, 6-3, 6-1.
Inabot naman ang top ranked junior netter ng Taipei na si Chen Yi ng 85 minutos para sibakin ang kababayang si Tai Lan Lan, 6-2, 7-5.