MBA 2nd Phase: Katatagan asam ng Lakers at Gems
October 28, 2001 | 12:00am
Katatagan sa ikalawang posisyon ang pupuntiryahin ng Cebuana Lhuillier sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban sa TPG-Davao sa pagpapatuloy ng Second Phase ng MBA season sa RMC Gym sa Davao City.
Nakatakda ang duwelo ng Gems at ng Eagles sa alas-5:30 ng hapon kung saan ibig rin ng Davao na maitala ang kanilang mahalagang panalo na siyang magdudugtong sa kanilang pag-asa na mapasama pa sa susunod na round sa pamamagitan ng playoff.
Inaasahang gagawa ng eksplosibong opensa ang Gems upang mapa-ganda ang kanilang kasalukuyang 4-6 win-loss slate sa likod ng lider na Negros Slashers na may 7-2 kartada sa South upang supilin ang winning streak ng Eagles na inaasahan namang nasa mataas na morale matapos ang kanilang 89-77 panalo kontra sa Socsargen-Taguig-Marlins noong Biyernes.
Ito ang kauna-unahang panalo ng Eagles matapos ang walong dikit na kamalasan at kailangan nilang ma-sweep ang nalalabing limang laro kasama ang laban ngayon upang makahirit ng playoffs.
Nauna rito, hangad naman ng Fedex Laguna na maitala ang kanilang panalo upang mapalakas ang kanilang kapit sa solong ikatlong puwesto sa North sa kanilang pakikipagsagupa sa cellar-dweller Nueva Ecija sa alas-3 ng hapon na dadayo naman sa Araullo Centrum Gym sa Cabanatuan City.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended