Dahil darating na si Michael Jordan at mayroon siyang patutunayan.
Nagbalik ang 38-anyos star na siyang gumawa ng malaking pangalan sa basketball nang kanyang pangunahan ang Chicago Bulls sa anim na titulo sa walong taon sa aktibong paglalaro sa National Basketball association noong Martes sa New York kasama ang Washington Wizards.
Ang tatlong taong pamamahinga mula ng huling lumaro si Jordan sa liga ay kinakitan ng pagsikat ng mga batang talento kung saan nahi-rang si Carter ng Toronto, bilang bagong NBA slum dunk king at ang Philadelphias na si Iverson na scoring champion at Most Valuable Player.
Maganda ang hinaharap ni Carter sa posibilidad na siyang papalit sa trono ni Air Jordan.
Ang naturang guwardiya ay kilala nilang Air Canada" ay kumana ng 18 sa kanyang 31 puntos sa first quarter at nakipagtulungan kay Alvin Williams sa third period nang walisin ng Raptors si Jordan at ang kanyang Washington Wizards, 113-96 sa preseason game dito noong Huwebes.
Nagsalpak si Carter ng 10-of-23 shots, kabilang ang 4-of-7 mula sa 3-point range at nagtala ng perpektong free throws nang kanyang ikunekta ang pitong pagtatangka. Humatak rin siya ng limang rebounds, tatlong asists at dalawang blocks.
Hawak ng Washington ang 70-69 kalamangan, 3:43 ang nalalabing oras sa third canto nang umiskor si Williams ng tres upang pamunuan ang 11-1 run na siyang nagkaloob sa Raptors na hawakan ang pangunguna na hindi na nagawa pang lingunin ng Wizards. Sa atakeng ito, kumamada si Williams ng anim na puntos at lima naman ang kay Carter.
Tumapos si Williams ng 17 puntos mula sa 7-of-12 shooting at nagtala rin ng limang assists para sa Raptors na ngayon ay mayroon ng 5-1 preseason play.
Ipinukol ni Jordan ang kalahati ng kanyang 22 puntos sa first quarter, ngunit umiskor lamang ito ng 5 sa kanyang 17 pagtatangka sa kabila ng kanyang 12-of-12 mula sa line.