^

PSN Palaro

Kontrata ng MBA sa ABS-CBN natapos na; NBN 4 bagong partner

-
Tapos na ang apat na taong pagsasama ng Metropolitan Basketball Association at ng higanteng ABS-CBN at umaasang magsisimula ang bagong pakikipag-partner sa NBN 4 sa susunod na season.

"Definitely, ABS-CBN will not be around as our partners next year but there is NBN 4 to help us next season," ani Ramon Tuason, MBA director for marketing and business development.

Sinabi rin ni Tuason na nagsumite na ang MBA board noong Martes ng kanilang final draft na kapwa pinirmahan ng MBA at NBN 4.

"We’re just ironing out the remaining links ang expect to finalize our plans with the new TV station.

Gayunpaman, nilinaw niya na nakikipagtulungan pa rin ng liga sa ABS-CBN tungkol sa games telecast sa pamamagitan ng The Filipino Channel na ikukunekta sa Filipino audience sa Amerika.

At bilang karagdagan, ang ABS-CBN ay magbibigay ng production crew kung kailangang magdaos ng MBA games sa Katimugan.

"ABS-CBN may not be there for us most of the time next year but they will be there to help us in our trips top the south and of course, through the Filipino channel," ani Tuason.

Sinabi din ni Tuason na lahat ng walong miyembro ay dumalo sa board meeting noong Martes.

Sa kabilang dako, inihayag ni Tuason na bukod sa walong teams ngayon, dalawang koponan mula sa Pangasinan at Pampanga ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa susunod na taon.

Magbabalik mula sa isang taong pagkawala, ang Pangasinan ay muling susuportahahn ni Tim Orbos habang ang Pampanga naman ay tutulungan nina Anton Gonzales at Lubao Mayor Dennis Pineda.

Ang walong pang miyembro ay ang San Juan, Batangas, Laguna, Cebu, Negros, Davao, Socsargen-Taguig at Nueva Ecija.

ANTON GONZALES

FILIPINO CHANNEL

LUBAO MAYOR DENNIS PINEDA

METROPOLITAN BASKETBALL ASSOCIATION

NUEVA ECIJA

PAMPANGA

PANGASINAN

RAMON TUASON

SAN JUAN

TUASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with