Nagkaroon ng pagdududa noong nakaraang linggo na si Lee, kilala sa buong mundo bilang "The Black Widow" dahil sa kanyang all-black leather at lace attire at pamatay na tikas sa ibabaw ng lamesa, ay hindi makakarating sa nasabing biyahe dahil sa kasalukuyang international situation. Gayunman, ang kasiguruhan ay ipinabatid mula sa LG Collins ang sponsors ng nasabing event at sila ang nagkumbinse kay Lee na magtungo ng Manila para sa kakaibang one-on-one, race to thirteen event.
Sa kabila ng kanyang pagiging mahusay na pool player of all-time at kilala bilang The Magician" hindi niya basta-basta babalewalain si Lee at sa katunayan siya ay araw-araw na nage-ensayo upang mapaghandaan ang matinding hamong puwedeng ibigay ng Black Widow.
Sinabi ni Reyes na sa nakalipas, ilang Filipino pool players na rin ang tinalo ni Lee at kapag siya na ang tutumbok, asahan na kanya ng lilinisin ang lamesa.
Kinukunsidera ni Reyes na maaaring masira ni Lee ang kanyang diskarte at konsentrasyon sa laro at ng sa gayon magkakaroon si Lee ng tsansa na talunin siya sa isang maikling karera na race-to-five, ngunit sa race-to-13 malaki ang kanyang bentahe.
Nangako si Reyes ng isang "exciting at interesting duel" pero wala siyang plano na mapahiya sa pamamagitan ng pagkatalo sa isang babae sa LG Flatron Challenge na may kabuuang prize money na $15,000.
Bilang preliminary sa Reyes-Lee challenge, apat na pinaka-promising pool players ng bansa ang maglalaban-laban sa knockout battle of "The Rising Stars" na may nakatayang premyong P100,000.