^

PSN Palaro

The Philippine Star Friendship League: Samboy binitbit ang SMC, Phil.Star nalo din

-
Wala pa ring kupas si Samboy Lim nang humakot ito ng 31 puntos upang ihatid ang San Miguel Corp sa 70-63 panalo kontra sa UCPB kahapon sa Meralco gym.

Pinarisan naman ng host Philippine Star ang tagumpay ng San Miguel nang kanilang durugin ang RCBC.

Maagang nag-init si Lim nang humakot ito ng 18-puntos sa unang quarter upang punan ang pagkawala ni Allan Caidic at isulong sa dalawang sunod na panalo ang San Miguel.

Nakapasok naman sa win colum ang two-time BIBATO champion ABS-CBN nang kanilang igupo ang RFM Corporation.

Sa pagkawala ni Caidic na umiskor ng 34-puntos sa kanilang 76-59 panalo kontra sa RFM noong opening day, nakatulong ni Lim sina Art dela Cruz at Siot Tanquincen sa pag-ambag ng 16 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod habang umiskor naman ng 5-puntos si Hector Calma.

Tulad ng San Miguel, naitala rin ng Star ang kanilang ikalawang sunod na panalo duplikahin ang kanilang 80-61 pagdurog sa ABS-CBN noong opening day.

Pinangunahan ni Jon De Guzman ang Star sa paghakot ng 21-puntos habang may lima pang tumapos ng double digit. Ito ay sina Joey Viduya na may 16-puntos kabilang ang apat na triple, Arnel Ferrer na may 14 puntos, Alfred Bartolome na may 12 habang sina Rene Recto at Noel Cabales ay may tig-10 puntos.

vuukle comment

ALFRED BARTOLOME

ALLAN CAIDIC

ARNEL FERRER

HECTOR CALMA

JOEY VIDUYA

JON DE GUZMAN

NOEL CABALES

PHILIPPINE STAR

PUNTOS

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with