^

PSN Palaro

PBA Governors' Cup: Serbesa laban sa Gatas

-
Magandang panoorin ngayon ang nakatakdang sagupaan ng defending champion San Miguel Beer at Alaska Aces sa pagpapatuloy ng papainit na eliminations ng PBA season-ending Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Kung ang tutumbukin ngayon ng SMBeer ay ang play-off para sa huling quarterfinal berth, ang tuluy-tuloy na pag-ahon mula sa ilalim ng standings naman ang pakay ng Aces.

Tampok na laro ang labanan ng Alaska at San Miguel na matutung-hayan sa dakong alas-7:10 ng gabi pagkatapos ng pampaganang sagupaan ng Purefoods TJ Hotdogs at Pop Cola Panthers sa ganap na alas-5:05 ng hapon.

Mula sa sunud-sunod na pagkatalo, nakabangon ang mga San Mi-guel at Alaska.

Matapos ang apat na sunod na talo, nakapaglista na ng dalawang dikit na tagumpay ang Beermen na nag-angat ng kanilang record sa 4-4.

Matapos mabokya sa unang limang laro, ang Aces umaarangkada ngayon sa kanilang three-game winning streak sanhi ng kanilang 3-5 record na nag-ahon sa kanila mula sa pangungulelat.

"At least now we have a shot sa top four," pahayag ni SMBeer coach Jong Uichico. "Sana maituluy-tuloy namin ito."

"We’re slowly climbing our way up to the standings but we know that we awfully, awfully have a long way to go," sabi naan ni coach Tim Cone ng Alaska. "We’ll just try to be patient and take it one game at a time, climb our way back up and hopefully we’re gonna win the race."

Malaking bagay si import Ron Riley sa pamamayagpag ng Alaska na wala nang habol sa twice-to-beat advantage na mapapakinabangan ng top four team sa pagtatapos ng eliminations kaya’t ang habol na lamang nila ay ang makasama sa 8-teams quarterfinalists.

"Ron (Riley) has an act of making big shots for us," ani Cone sa kanilang import na pumalit kay Dexter Boney na humalili naman sa nagretirong resident import ng Alaska na si Sean Chambers.

Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang naglalaban ang Barangay Ginebra at Shell Velocity sa kanilang out-of-town game sa Balanga, Bataan.

vuukle comment

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

DEXTER BONEY

GOVERNORS CUP

JONG UICHICO

MATAPOS

POP COLA PANTHERS

RON RILEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with