Doronilla pasok sa finals kontra kay Magliquian
October 20, 2001 | 12:00am
IRIGA CITY -- Pumasok si Edmon Doronilla ng Polomolok, South Cota-bato sa pinweight finals nang kanyang pigilan si Rally Derubio ng Baguio City, 29-26 upang isaayos ang gold medal bout sa three-time SEA Games gold medalist Juanito Magliquian ng Philippine Navy-Bago City team A na nanaig naman kontra Dionisio Jonson ng Philippine Army, 35-26.
Bumangon ang Army, ang defending champion sa flyweight class nang igupo ng internationalist Violito Payla si Army Cs Seigfred Dignos, 29-14 upang itakda ang kanilang championship match ng bagitong si Decembrix Ambay ng Philippine Air Force.
Dalawa pang Navymen at Airmen ang nakapasok sa finals berth sa kani-kanilang weight divisions sa isang linggong tournament na inorganisa at suportado ng Amateur Boxing Association of the Philippines at ni Mayor Alfelor.
Inihakbang ng Olympian middleweight Reynaldo Galido ang kanyang sarili sa finals sa pagposte ng RSC-O na panalo sa pagsisimula ng kanilang middleweight fourth round semis bout ni Macky Jay Tagle ng Air Force, habang naungusan ng light heavyweight Mario Tizon si Jessie Flores ng Air Force, 17-15 para sa dalawang iba pang finals slot ng Navy.
Tinalo ni Ignacio Gerodias ng PAF si Maximino Tabangcora ng Army, 47-25 upang isaayos ang kanilang finals match ni Galido.
Sa bantamweight quarterfinals, tinalo nina Glen Salazar at Noriel Lerio ng Army ang kanilang kalaban sa mag-kahiwalay na laro upang makapasok sa semis kasama ang Airman na sina Dick Varron at Navyman Ferdie Gamo.
Nakisosyo sa karangalan ang womens competitions na nagtampok sa Baguio City na humakot ng apat na panalo.
Itinala nina pinweight Alice Kate Aparri, light flyweight Librada Tamson, flyweight Elein Pedroche at bantamweight Juoveliet Chilem ang panalo para sa Baguio City.
Ang iba pang umusad sa susunod na round ay sina light flyweight Judith Baguio ng Mandaue City, flyweight Analiza Cruz ng Navy at bantamweight Johron dela Rosa ng Navy-Bago City.
Pinangunahan naman ng light mosquitoweight Rey Wequino ng North Cotabato ang juniors finalists kasama si pinweight Nicolas Banal ng Cebu City at Peter John Artos ng Tulunan at bantamweights Gembert Besache ng Cebu City at Denver Labador ng Baguio.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended