Kabilang sa mga inimbitahang manlalaro na lalaro sa exhibition game na nakatakda sa Nov. 3, alas-4 ng hapon sa PhilSports Arena sa Pasig ay sina Dominic Uy (MBA), Bong Ravena (Mobiline), Christian Calaguio at Omanzie Rodriguez ng San Juan, Joey Sta. Maria (Cebu Gems), Bill Velasco, Norman Black, Alfrancis Chua, habang ang mga nagkumpirma naman sa show business celebrities ng kanilang partispasyon ay sina John Estrada, Willie Revillame at Calvin Millado, na pawang mga basketball players rin.
Hatid ng National Sports Grill, Northwest Airlines, Red Ribbon Bakeshop at Scan Livingston Graphics at suportado ng media sponsors--Joey 92.3, 939 KCFM, 105.1 Croosover, 774 DWWW AM, 19.1 DWNX Bicol, MTV Ink., Pulp Magazine, Philippine Daily Inquirer, Manila Bulletin, Hit Productions, E Entertainment Philippines, PC World, The Web Philippines, Computer World at YES Magazine.
Magkakaroon rin ng three-point shootout na may special prizes mula sa mga sponsors para sa fans at freethrow shooting contest ng mga cagers at celebrities. Mabibili na ngayon ang mga ticket sa lahat ng Music One Branches, National Bookstore (Quezon Avenue at Super Branch Araneta Center) o kaya ay tumawag sa 8130298.
Matapos ang laro, may-roong band concert na gaganapin sa alas-7 ng gabi at host ng MTVs KC Montero tampok ang Barbies Cradle, Alamid, Third World Project, Battery, Mojofly, Music Making Company at Wall of Sound. Ang nasabing concert at idinirehe ni Chico Angeles at pormal na ilulunsad ang "Built It Up" CD, isang compilation na mga kanta na handog ng ibat ibang artists at banda sa foundation para sa nasabing proyekto.