Baylon, mangunguna sa Natonal Judo men's & women's team
October 18, 2001 | 12:00am
Pangungunahan ng gold medalist na si John Baylon ang mga SEA Games winners na lalahok sa National men at women judo team championship sa Oct. 27-28 sa Pearl Plaza sa Parañaque City.
Babanderahan ni Baylon ang Western Mindanao team na kinabibilangan ng silver medalist na si Aristotle Lucero at bronze medalist Aiza Mari Ano sa dalawang araw na tournament na siyang magigiing basehan sa pagpili ng miyembro ng National team na kakatawan sa Manila sa dalawang Asian Judo Championships sa Korea at Japan sa December.
Inaasahang madodomina ni Baylon, beterano ng 1992 Barcelona at 1996 Atlanta Olympics at gold medalists sa katatapos pa lamang na SEA judo championship na ginanap sa Singapore ang kanyang event na minus-71 kilograms. Paborito sina Ano at Lucero na manalo sa kani-kanilang divisions.
Ang iba pang koponan na magpapakita ng aksiyon ay ang National Region, Cordillera Autonomous Region, Northern Mindanao, Western
Ang NCR ang siyang defending champion sa mens at womens division.
Dahil sa kanilang malakas na line-up, mahigpit na paborito ang Big City judokas sa pangunguna ng world judo campaigner at SEA Games silver medalist Abraham Pulia, bronze medalist Sydney Schwarskopf at Eric Nazareno.
Pitong weight categories ang siyang paglalabanan sa tournament na ito na inorganisa ng Philippine Amateur Judo Association sa pangu-nguna ng presidenteng si Capt. Rey Jaylo.
Ang mga events na pagla-labanan ay ang extra lightweight, half-lightweight, lightweight, half-middleweight, middleweight, half-heavyweight at heavyweight.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended