^

PSN Palaro

MBA nais na maging bahagi ang kanilang players sa national team

-
Hindi isasara ng Metropolitan Basketball Association (MBA) ang kanilang pinto sa posibilidad na ilan sa kanilang manlalaro ay puwedeng maging bahagi ng national team na magpapakita ng aksiyon sa 14th Asian Games sa susunod na taon sa Pusan, South Korea.

Ayon kay Ramon Tuason, ang MBA directory for marketing at business development, sinabi nito na kanila pang hinihintay ang resulta ng kasalukuyang pakikipag-usap sa pagitan ng Basketball Association of the Philippines (BAP) at Philippine Basketball Association (PBA).

Nagkaroon ang BAP at PBA ng standing agreement na naayos noong 1990 na ang huli ay mayroong blanket authority sa selection, training at preparation at pagpondo sa mga national team sa Asian Games.

Sinabi naman kamakailan ng BAP sa pamamagitan ng kanilang pangulo na si Quintellano ‘Tiny’ Literal na nais niya na mabuo ang koponan na mayroong tig-anim na players mula sa PBA at MBA--at ang proposal na ito ay taliwas sa kanilang kasunduan sa PBA.

Isang pulong ang itinakda sa pagitan nina Literal at PBA executive director Sonny Barrios.

"We’re just waiting for the results of the talks between the BAP and the PBA," ani Tuason ng maging panauhin ito sa PSA Forum sa Holiday Inn Hotel kung saan siya ay sinamahan ni commissioner Butch Antonio.

"We’re not saying that we’re not sending players under any condition. The BAP and the PBA has an agreement. I know that Mr. Literal wants to send the strongest team possible. So, whatever they decide on, we’ll just have to follow," aniya.

Kung sakali mang mapagkasunduan ang ‘50-50' format, binanggit ni Antonio na siyang pumalit kay Ogie Narvasa na kanilang ipadadala ang mga pangalan nina Romel Adducul, Chito Victolero, Chris Calaguio, Omanzie Rodriguez, Junel Mendiola, Jomar Tierra at Bruce Dacia na pawang naging bahagi ng national team na nanalo ng gold medal sa nakaraang buwang Kuala Lumpur SEA Games.

ASIAN GAMES

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BRUCE DACIA

BUTCH ANTONIO

CHITO VICTOLERO

CHRIS CALAGUIO

HOLIDAY INN HOTEL

JOMAR TIERRA

JUNEL MENDIOLA

KUALA LUMPUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with