Kumana si Joselito Rojas ng penalty shot at nai-set-up si Vic Nuevo para sa ikalawang marker sa huling dalawang minuto upang iselyo ang panalo.
Nakuntento lamang ang nakaraang taong champion Central Mindanao University sa ikatlong puwesto makaraang talunin ang Valencia National High, 1-0 sa isang breakaway goal ni Carlo Perez.
Mapapasabak ang Holy Cross sa mananalo sa Cagayan de Oro City eliminations sa Nov. 27 at sa CARAGA sub-regional competition para sa spot ng all-Mindanao finals na nakatakda sa Jan. 7-10, 2002 sa General Santos City.
Sa Dumaguete City, hiniya ng Negros Oriental High ang San Miguel High School of Becong, 2-0 upang mapanatili ang korona at makuha ang slot sa all-Visayas finals na nakatakda sa Nov. 22-25 sa Bacolod City.
Sa Iligan City, pinayukod ng Iligan City National High ang Northeast High, 6-1 habang tinalo ng Iligan City East High ang Iligan East Central School, 4-1 sa pagsisimula ng eliminations.
Labing-apat na koponan sa pangunguna ng defending champion La Salle Academy ang maglalaban-laban dito sa tourney na ito na inorganisa ng Philippine Football Federation at hatid ng Coca-Cola.
Samantala, umiskor ng apat na markers si Andoni Santos upang pamunuan ang La Salle-Zobel sa kanilang kampanya na mapanatili ang hawak na titulo nang kanilang dispatsahin ang San Beda, 10-0 noong Linggo sa pagsisimula ng Metro Manila eliminations ng 18th Under-16 Coke Go-for-Goal football tournament sa Ateneo High School soccer grounds.