^

PSN Palaro

Milo marathon tatakbo sa Batangas

-
Apat na lamang ang natitirang qualifying legs sa 25th Milo Marathon ngayon taon bago sumapit ang national finals sa Manila ngayong Disyembre, at ngayon ang karera ay tutungo naman sa Batangas City kung saan sa kauna-unahang pagkakataon magiging punong abala ang Southern Luzon sa susunod na regional elimination race sa Linggo.

Isa sa bagong lugar ngayong taong Milo marathon program na suportado ng Adidas, ang Batangas City race ay humakot ng mahigit sa 1500 runners mula sa pinagsamang probinsiya ng Laguna, Quezon, Marinduque at Mindoro kung saan ang regional race na ito ay idinaos sa Calapan noong nakaraang taon.

Inaasahang mapapasabak sa mahigpit na laban ang defending men’s at women’s champion sa 10K run na sina Armyman Rogelio Adenig at Lisa Yambao mula sa mga local runners.

Kilala sa mga produktong "balisong knife," "bulalo," "kapeng barako," at pagbuburda ng "jusi’, nangako ang mga opisyales ng Batangas City sa pangunguna ni Mayor Eduardo Dimacuha na kani-lang palalawigin ang hospitality sa mga bisitang runners.

"We are happy that this year, we were given the opportunity to host this major sporting event of Milo and we expect Batangueños, particularly our students, to come out in full force for this event," ani Mayor Dimacuha.

Magsisimula ang karera sa ganap na alas-6 ng umaga sa harapan ng Batangas City Hall. Lahat ng kalahok ay inaabisuhang dumating sa assembly area ng hindi lalampas sa alas-5 ng umaga para sa pre race briefings at check in.

Ang top 3 male at female finishers sa 10K run ay makakasama ng iba pang runners na nauna ng nag-qualified mula sa Metro Manila, Davao, Tacloban, Olongapo, Naga, Bacolod, Tuguegarao at General Santos, habang ang nalalabing karera matapos ang Batangas City ay nakatakda sa Cagayan de Oro, Baguio at Cebu City, ayon kay Milo Marathon national race organizer Rudy Biscocho.

Ang mga paaralan na nagsumite ng pinakamaraming bilang ng finishers, team competition aty cheering competition ay ang University of Batangas, Batangas State University, Divine Child Academy, Marian Learning Center, De La Salle University, UP Los Baños at KIPSI Elementary.

ARMYMAN ROGELIO ADENIG

BATANGAS

BATANGAS CITY

BATANGAS CITY HALL

BATANGAS STATE UNIVERSITY

CEBU CITY

DE LA SALLE UNIVERSITY

DIVINE CHILD ACADEMY

MILO MARATHON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with