PBA Governors' Cup: SMBeer hangad na bumango
October 12, 2001 | 12:00am
Mabura ang isang mapait na alaala ang pakay ng defending champion San Miguel Beer habang makapag-reserba ng puwesto sa susunod na round ng PBA Governors Cup ang layunin ng Talk N Text Phone Pals laban sa magkahiwalay na laban ngayon.
Ikalawang quarter-finals slot naman ang tangkang maisukbit ng Phone Pals sa kanilang pakikipagsagupa sa Barangay Ginebra sa main game sa ganap na alas-7:10 ng gabi pagkatapos ng pakikipagsagupa ng San Miguel kontra sa Pop Cola Panthers sa pambungad na laban sa ganap na alas-5:05 ng hapon pagdako ng aksiyon sa Cuneta Astrodome.
Di malilimutan ng defending champion San Miguel Beer ang araw nang kanilang makalaban ang Pop Cola Panthers dahil dito nagsimula ang sunod-sunod na malas na kanilang dinadanas ngayon sa kasalukuyang eliminations ng ikatlong kumperensiyang ito.
Araw ng Sabado, September 22 na dapat sanay unang out-of-town ng PBA ngunit walang makuhang venue kaya idinaos ito sa Ynares Center, nalasap ng SMBeer ang kanilang unang pagkatalo matapos simulan ang kanilang kampanya sa pagdedepensa ng titulo sa pamamagitan ng 2-0.
Ang kabiguang ito ng San Miguel ang simula ng kanilang four-game losing streak na nagsadlak sa kanila sa kasalukuyang 2-4 re-cord habang ang tagumpay naman ng Pop Cola ay simula ng kanilang four-game winning streak na naputol nga lamang ng 83-90 pagka-talo kontra sa Shell Velocity noong Biyernes bunga ng kanilang 4-3 kartada. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended